Kasalukuyang nagsasagawa ng Training on the Handbook for the Financial Transactions of the Sangguniang Kabataan (HFTSK) ang Commission on Audit (COA) Regional Office No. IV-B (MIMAROPA) sa Lungsod ng Puerto Princesa, Palawan. Ang pagsasanay ay naglalayon na turuan ang mga dumalong Sangguniang Kabataan (SK) ng Taytay ng wastong paggamit ng kanilang pondo.
Eto ay alinsunod sa Republic Act (RA) No. 10742, ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2005, kung saan ang SK ay binigyan ng financial independence patungkol sa operations, collection of receipts and disbursements ng SK Funds.
Ang nasabing pagsasanay ay nagsimula noong ika-21 ng Nobyembre at magtatapos ngayong ika-24 Nobyembre, 2022. Sa pagtatapos ng nasabing training ay umaasa ang Lokal na Pamahalaan ng Taytay na lalong mapabuti ng mga opisyales ng SK ang paglilingkod sa mga kabataang Taytayano.