Ang Pamahalaang Bayan ng Taytay, Palawan ay isa sa mga sangay o ahensya na naatasan na nangunguna sa pagdiriwang ng National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women (VAW) sa ilalim ng Proklamasyon Bilang 1172 s. of 2006.
Ang pangunahing layunin nito ay upang maitaas ang antas ng kamalayan o kabatiran ng suliranin ng karahasan at ang alisin ang lahat ng uri ng karahasan laban sa kababaihan at mga batang babae. Kaugnay nito ang 18-Araw na Kampanya para Wakasan ang VAW ay isinusulong at isinasagawa tuwing ika-25 ng Nobyembre hanggang ika-12 ng Disyembre ng bawat taon sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan mula sa pamahalaang nasyonal at lokal, pribadong ahensya kasama ang mga pambansang kolehiyo at unibersidad at ibang sektor ng ng lipunan. Ang lahat ng mga kaagapay o stakeholders ay hinihikayat na aktibong makilahok sa gawaing ito.
Ang adbokasiyang ito ay naglalayon na:
1. Maiangat ang kamalayan at madagdagan ang pang unawa at suporta para sa isang pamayanang VAW- free;
2. Maisulong ang maayos na ugnayan ng pamilya at pamayanan sa isang barangay sa pamamagitan ng paggalang sa karapatang pantao ng bawat isa at kumilos upang maabot ang isang VAW- fee na komunidad;
3. Tiyakin na ang VAW desk ng bawat barangay ay gumagana o kumikilos;
4. Paglikha ng maayos na ugnayan sa local at nasyonal na mga ahensya ng gobyerno ganoon din sa ibang organisasyon sa mga barangay kung saan maaaring idulog ang mga biktima ng nakaligtas sa VAW para sa pagbibigay ng kinakailangang tulong na hindi kayang ipagkaloob ng barangay na kinabibilangan;
5. Isulong, agapan at tiyaking ang lugar na pinagtatarabahuhan, komunidad at sariling pamamahay ay VAW-free.
Kaugnay ng nasabing selebrasyon, ang Lokal na Pamahalaan ng Taytay, sa pamamagitan ng tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Officer, ay magkakaroon ng iba’t ibang mga aktibidad sa sinasabing 18 na araw na uumpisahan ng Kick-off Activity sa ika-25 ng Nobyembre at magtatapos sa isang Culminating Activity sa ika-13 ng Disyembre. Magkakaroon din ng mga patimpalak sa paglikha ng posters, videos at mga awit patungkol sa VAW.
Calendar of actvities:
Mechanics for the Contests: