Makalipas ang dalawang taong restriksyon dulot ng COVID-19, hindi magkamayaw at larawan ng sigla ang mga manggagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Taytay habang nagpaparada mula sa Polaris hanggang sa Municipal Amphitheater ngayong umaga kaugnay ng Opening of Friendship Games para sa Civil Service Month Celebration 2022. Apat na grupo ang magpapaligsahan para sa mga ballgame at laro ng lahi. Ito ay ang: Yellow Team, Blue Team, Green Team at Red Team. Sigaw ng mga teams:
Yellow Team : Hep Hep Hooray! Yellow Warriors on the way!
Blue Team : Give way, give way! Blue Eagles Team is on your way! (2x) Give way!
Green Team : Green Army laban!
Red Team : Hindi kami papatalo, hindi kami susuko! Red Royals Team!
Matapos ang pagsasagawa ng regular na flag raising ceremony, agad na sinimulan ang programa at binigyang daan ang bagong halal na pangulo ng Municipal Government of Taytay Palawan Employees Association (MGTPEA)na si G. Arnold C. Acebedo II para sa kanyang mensahe.
“Isang karangalan po para sa amin na muling pangunahan ang komite ng palarongayong 122nd PCSA. Layunin ng aktibidad na ito naisabuhay at kilalanin ang mga nagawa ng ating mga modern day heroes- mga lingcod bayani ng ating panahon. Also we are given this opportunity to foster importance of unity, camaraderie and togetherness among us employees of the local government.
Magkakaroon po tayo ng iba’t-ibangpatimpalak at laronasusuboksaating physical stamina, alertness of mind and of course ang inyongpasensiya. Nawa’ymagingligtas po ang lahat at i-enjoy ang oportunidadnaito. Maraming salamat po!”
Samantala, nagkaroon ng representate ang bawat team para naman sa symbolic lighting of torch bilang tanda ng patuloy na pagpapaningas ng diwa ng pagkakapatiran, magkalaban man ang kani-kaniyang mga koponan. Bitbit ang torch, tumakbo sila paikot sa municipal grounds at dumako sa kanya-kanyang pwesto para naman sasabay ang pagpapailaw ng symbolic cauldron.
Bilang kahilili ni Kgg. Christian V. Rodriguez, si G. Robinson P. Morales – Municipal Administrator ang nagpa-abot ng masayang mensahe para sa mga empleyado. Kanyang kinagiliwan ang mga katawagan/bansag ng bawat grupo sa kani-kaniyang mga team gaya ng Yellow Warriors, Blue Eagles, Green Army at Red Royals. Muli ay kanyang binigyang diin ang sportsmanship at binati ang bawat isa ng masayang pagbubukas ng mga palaro. Upang masiguro na ang bawat isa ay maisapuso ang layunin ng palarong ito, kanilang sabay-sabay na binigkas ang Oath of Sportmanship sa pangunguna naman ni G. Tommy Nicasio N. Estacio.
Ngayong hapon ay nagumpisa na ang pinakakaabangan ng lahat, ang mga unang laban! Volleyball girls Game 1: Yellow Team vs. Blue Team. Ang susunod pang mgalaro ay masasaksihan ng live sa Municipal Covered Court.