Hindi alintana ang pabago-bagong panahon sa barangay Abongan nang ginanap ang A Day with Barangay na parte ng programa sa pamumuno ni Municipal Mayor, Christian V. Rodriguez noong February 28, 2023 Martes. Layunin nitong maghatid at mailapit ang serbisyong lokal sa ating mga kabarangay. Kasama ang mga kawani ng gobyerno na mula sa iba’t ibang opisina, Department Heads, at Men-in-Uniform, hangad na makapaglingkod sa pamamagitan ng pagtugon ng pangangailangan at makapagbigay ng basic services sa barangay. Nagsimula ang programa sa pambungad na mensahe ng isa sa mga opisyal ng barangay – Kagawad Torres, at Municipal Vice Mayor Delma Edep. Sinundan naman ito ng mensahe ni Hon. Christian V. Rodriguez, Municpal Mayor, na siyang nagpahayag ng kanyang pasasalamat at kagalakan sa paghahatid ng mga serbisyo sa bawat barangay.
Matiwasay na natapos ang Awarding at Closing Ceremony ng Youth Camp at Youth Sports Program, na siyang sinundan ng mensahe ni Pastora Cristina Estepa na siyang ipinaalala para sa 7 couples ng Wedding Ceremony, at 102 couples ng Renewal of Vows, na ang Diyos ang pundasyon ng relasyon ng bawat mag-asawa at pamilya. Ang seremonyas ng kasal at renewal of vows ay pinangunahan ng ating butihing Mayor, Christian V. Rodriguez. Liban sa serbisyong gobyerno ng MHO, MDRRMO, MSWDO, MCR, MTDMO, at iba pa, namahagi naman ng food packs, wheel chairs, at walking sticks sa mga Senior Citizens and Persons with Disabilities; nakatanggap naman ang Pre-Schoolers hanggang Grade 2 ng school supplies at payong, habang tsinelas para sa mga Grade 3 at 4; mayroon din libreng gupit na hatid ng Men-in-Uniform; at iba pa.
Tugtugin, indak, at magagandang tinig naman ang hatid ng LGU Dancers at LGU Singers sa buong durasyon ng programa na tiyak na kinagiliwan at kinamangha ng mga nakikinig. Tanghalian naman para sa lahat at matamis at libreng ice cream naman sa mga batang nakibahagi sa progama ng lokal na pamahalaan. Maraming ganap ang maghapon ng A Day with Barangay na nakapapagod man, ngunit nakapagbibigay ng ngiti sa labi ng bawat mamamayan na pinatutunayan ang katagang, “Serbisyo ng gobyerno, hatid namin sa inyo.”