Sa kabila ng init ng araw, dagsa ang mga tao kamakailan sa Municipal Covered Court sa nagkasabay na isinagawang serbisyo ng Office of the Municipal Agriculuture (OMA) at Municipal Social Welfare Services Office (MSWDO) nitong araw ng Biyernes, January 13, 2023.

Sa ilalim ng pamunuan ng OMA Fisheries Section, nagsagawa ng Fishery Livelihood Recovery and Development Program for Fisherfolks, release of livelihood assistance mula sa Municipal Treasury Office (MTO), at Fishery Registration and Renewal. Sa tulong ng mga kinatawan nito, maayos na nagtalaga ng mga lugar kung saan maaaring humanay ang mamamayan ng bawat barangay at magsumite ng mga requirements na kailangan upang matulungan sa serbisyo na kanilang nais.

Sa kabilang panig, pinangasiwaan ng mga kinatawan ng MSWDO ang pag-release ng Senior Citizens’ Social Pension. Ito ay parte ng programa ng kanilang opisina bilang suporta sa ating mga senior citizens.

Nagsimula mang mainit ang sikat ng araw, natapos naman ito ng may makulimlim na panahon, kasabay ng pagtatapos ng mga serbisyo ng dalawang opisina ng ating lokal na gobyerno.