Sa ganap na ika-12:00 ng tanghali, araw ng Miyerkules, ika-30 ng Agosto 2022, nagsara ang botohan para sa susunod na mga opisyales ng Municipal Government of Taytay Palawan Employees’ Association (MGTPEA). Matapos ang isinagawang bilangan ng COMELEC ay ideneklara na ang mga nanalong kandidato. Batay sa pinal na talaan ng mga naisumite ng mga Certificates of Candidacy noong ika-12:00 ng tanghali, Agosto 24, 2022, walang naging kalaban sa kandidatura ang partidong pinangungunahan ng tumatakbong president na si G. Arnold C. Acebedo II.
Kung kaya, matapos maideklarang pinal at opisyal ang kanilang pagkapanalo, sa ganap na ika-3:00 ng hapon, pormal nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga nahalal na opisyales na sina:
President: | Arnold C. Acebedo II |
Vice President: | Jannet F. Leguro |
Secretary: | Mercy R. Schmid |
Assistant Secretary: | Jessie Mae T. De Luna |
Treasurer: | Jose T. Dalingding |
Assistant Treasurer: | Roma L. Española |
Auditor: | Ma. Emma H. Gutierrez |
PRO: | Kathleen May N. Enopia |
Business Manager: | Letecia C. Homoroc |
Sa harap ni Kgg. Christian V. Rodriguez, Municipal Mayor, sila ay taimtim na sumumpang magiging tapat at gagampanan ang kanilang mga tungkulin ng taos-puso at walang pag-iimbot. Kaakibat nito ang paggalang at pagsunod sa mga itinakda ng Saligang Batas ng Pilipinas sa bawat gawain at pagtupad ng obligasyon. Kanilang idinalangin na, ang lahat ng mga ito ay maisasakatuparan sa tulong ng Dakilang Lumikha.
Narito ang isinusulong na mga programa:
Mga programang nag lalayong mapanatiling ligtas at malusog ang bawat manggagawa.
Mga programang ninanais at inaasam ng mga kasapi na maisakatuparan ay ating pagtutulungang gawin
Mga programang magpapalakas at magpapaunlad sa mga kakayanan at kaalaman ng bawat manggagawa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensya at organisasyong handang tumulong.
Mga programang magpapalago hindi lamang ng kabang-yaman ng Samahan kundi
maging personal growth at career growth ng mga empleyado.
Mga programang pang komunidad at pampamayanang ating kinabibilangan.