Bunga ng taimtim na hangarin ng ating Ama ng Bayan HON. CHRISTIAN V. RODRIGUEZ na maibsan ang gastusin ng ating mga kababayan sa pagkuha ng National Police Clearance, pormal ng pinasinayaan ang pag-uumpisa ng pag-iisyu ng Taytay Municipal Police Station ng National Police Clearance, ngayong araw ng Lunes, ika-17 ng Abril 2023.


Sa pakikipag-ugnayan ng ating butihin Mayor at pakikipagtulungan ng TMPS sa pangunguna ni Acting Chief of Police PMaj Bronson C Caramto naipabot sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang kahilingan ng Lokal na Pamahalaan at ng Municipal Peace and Order Council (MPOC), na maging National Police Clearance System (NPCS)-enabled ang TMPS.


Isang panalangin ng pagpapasalamat at pagbabasbas ang pinangunahan ni Pastor Artemio Cahanding ng Assemblies of God, Bgy. Poblacion. Pagkatapos nito ay pinangunahan na ni Mayor Rodriguez at PLt. Eric Dalisay – DCOP ang ribbon cutting. Ang programa ay sinaksihan naman ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan at hanay ng kapulisan.


GABAY SA MGA KUKUHA NG NATIONAL POLICE CLEARANCE

Step 1.

  • Bisitahin ang https://pnpclearace.ph at magparehistro (bagong aplikante) o mag log-in (rehistradong aplikante).
  • Punan ang kinakailangang impormasyon at magtakda ng nais mong araw, oras at piniling istasyon ng pulis.
  • Tandaan ang Reference Number na ibinigay ng Sistema.

Step 2.

  • Magbayad online. I-klik ang Land Bank of the Philippines at Save Appointment.
  • Klik Pay to Landbank para makapagtuloy sa pagbabayad. Ikaw ay idedirekta sa LBP
    ePayment Portal website para sa proseso ng pagbabayad.

Payment options (sa ngayon):

  1. Via LBP ATM
  2. Via G-cash
  3. Via BancNet Cards.
  • Sundin lamang ang LBP payment process, ilagay ang Account Number at PIN at antayin ang transaction details at payment summary na mai-display.
  • Kumuha ng Payment Confirmation Slip at Electronic Official Receipt (OR) bilang patunay ng pagbayad.

Step 3.

  • Pumunta sa iyong napiling Police Station (Taytay Municipal Police Station) sa petsa ng iyong appointment.
  • Ipakita ang Reference Number, patunay ng pagbabayad at dalawang (2) valid IDs.
  • Magpakuha ng biometrics (litrato, fingerprint at lagda).
  • Antaying makumpleto ang proseso ng pagbeberipika bago makuha ang National Police Clearance.

LIST OF VALID IDs:

  • PNP ID/AFP ID/BFP ID/BJMP ID
  • Voter’s ID
  • Postal ID
  • LTO Driver’s License
  • PRC License
  • PhilHealth ID
  • SSS ID/UMID ID
  • GSIS UMID
  • IBP ID
  • Passport
  • TIN ID
  • OFW ID
  • Alien Certificate if Registration
  • School ID with Registration Form
  • Other Government-issued IDs

Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang National Police Clearance Home Page https://pnpclearance.ph/

Maari ring i-download ang Clearance Application Tutorial sa link na ito- https://pnpclearance.ph/landing/AppPonsive/doc/How%20to%20Apply%20NPCS.pdf

Tumawag sa Taytay Municipal Police Station Hotline No.: 0998 598 5874