Bilang tugon sa kahilingan ng Pamantolon Elementary School sa Barangay Pamantolon, Taytay ay pagkakalooban ng Coral Bay Nickel Corporation (CBNC) and nasabing paaralan ng one (1) unit – one (1) classroom na gusali na nagkakahalaga ng ₱ 1.3 million. Ang donasyon ay bahagi ng corporate social responsibility (CSR) ng nasabing kumpanya na makipagtulungan sa gobyerno upang makapagbigay ng kalidad na edukasyon sa mga kabataan.

Nagkaroon ng groundbreaking ceremony sa Pamantolon Elementary School Site noong Huwebes, Augusto 4, 2022. Ang nasabing seremonya ay dinaluhan at pinangunahan nina Mayor Christian V. Rodriguez, Sangguniang Bayan Member Edilberto Y. Felizarte, Punong Barangay Merlina B. Nacasi, DepEd District I Supervisor Pablo E. Abon, Principal Bella V. Martinez, PTA President Henry Q. Sabroso, Reverend Father Jayson R. Resureccion at iba pang mga panauhin.