Tunay na masidhi ang pagnanais ng ating mahal na Mayor Christian V. Rodriguez na mapuksa at tuluyang mawala ang ipinagbabawal na droga sa ating bayan, patunay dito ang kanyang 101% suporta sa anumang adhikain ng pamahalaan patungkol dito. Noong nakaraang Nobyembre 26, 2022 ay nakiisa tayo sa Grand Launching ng “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA), ang pinakabagong anti-illegal drugs campaign ng gobyerno sa pamamagitan ng isang Advocacy Campaign Against Illegal Drugs na may temang, “Sa DROGA Lahat Talo Pero Kung ang Community ay Drug Free Achieve Ang PAGBABAGO.” Ito ay dinaluhan ng humigit kumulang 800 na mga kabataan, mga guro, kapulisan, mga kinatawan mula sa MSWDO, MHO, MLGOO at MADAC. Bilang kinatawan ng ating Mahal na Mayor, nagbigay ng isang makabuluhang mensahe ang ating Municipal Administrator na si G. Robinson P. Morales. Samantala, sa kanyang maikling pananalita ay ipinabatid ng ating MLGOO Bb. Aizel Jane Delos Angeles, na ang laban sa droga ay hamon sa bawat Taytayano sapagkat wala tayong nais kundi tuluyang maging Drug Free ang Taytay.

Ang Advocacy Campaign ay hinati sa tatlong topics na buong husay na ipinaliwanag ng tatlong Resource Speakers. Ang unang topic ay tungkol sa Illegal Drugs, Kinds of Drugs and its Effects na ibinahagi ng MADAC Focal Person na si Gng. Bamby G. Oquendo. Dito ay tinalakay ang ibat’ibang klase ng pinagbabawal na gamot at ang kahihinatnan ng sinumang indibidwal na malululong dito. Sa ikalawang topic na hinggil sa Salient Provisions, ang naging tagapagsalita ay mula sa Taytay Municipal Police Station na si PLT Eric Dalisay. May kasanayang ipinaliwanag nito ang topiko upang mas maging malinaw sa mga tagapakinig ang krimen na kahaharapin ng sinuman na mahuhuling nagbebenta o gumagamit ng droga o nagkakanlong sa mga drug pushers. Ang ikatlong topic ay buong kahusayan na tinalakay ni Dra. Genevieve Ragay, Assistant Municipal Health Officer, na tungkol naman sa napapanahong Mental Health Issues. Ang mga dumalo ay buong siglang nakibahagi at matamang nakinig sa mga makabuluhang topics. Ang Advocacy Campaign ay matagumpay na natapos sa ganap na ika-lima ng hapon.


Bukod sa Advocacy Campaign Against Illegal Drugs ay nagkaroon din ng mga palaro sa mga kabataan gaya ng Basketball at Volleyball Games na may kaugnayan pa rin sa pagpapa-igting ng BIDA sa Taytay, Palawan.