Ramdam na ramdam na ang Kapaskuhan sa Bayan ng Taytay!
Kagabi, ika-16 ng Nobyembre 2022, dinagsa ng mahigit kumulang dalawang libong (2,000) katao ang kinasasabikang taunang kaganapan ng Lokal na Pamahalaan ng Taytay na pagpapailaw ng Tree of Hope sa Municipal Hall Complex, Barangay Poblacion. Sinabayan ito ng pagpapailaw ng bagong atraksyon ng munisipyo na Christmas Tunnel.
Pinangunahan ni Mayor Christian V. Rodriguez ang nasabing programa na puno ng kasiyahan, mula sa mga hinandog na mga awitin hanggang sa kahanga-hangang fireworks display na tumagal ng dalawang minuto.
Nabanggit ng butihing Mayor sa kanyang mensahe na “Sana pagpasensyahan ang munting handog ng munisipyo ngayong gabi at sana kahit papaano, kahit panandalian lamang, ay makalimutan natin ang ating mga problema at hamon sa buhay at maging inspirasyon ang pagsisindi ng ilaw ng ating “Tree of Hope” sa pagtanaw sa pag-asang darating. Kalakip nito ang aking taos-pusong panalangin ng kaayusan, kaligtasan at kasaganaan ng bawat pamilyang Taytayano”.
Maligayang Pasko sa ating lahat!