Nagkaroon ng isang Information Education and Communication (IEC) Campaign ang Nido Petroleum Philippines Pty Ltd, isang kumpanya na nakabase sa Australia, kasama ang mga kinatawan ng Department of Energy ngayong araw, ika-11 ng Nobyembre 2022 sa 2nd Floor ng Annex Building, Municipal Hall, Barangay Poblacion, Municipality of Taytay.
Eto ay patungkol sa Service Contract 54, isang oil field exploration and production project, na matatagpuan tatlumpung kilometro (30 kms) ang layo sa baybayin na nasa gawing hilagang-kanluran ng Palawan at sumasaklaw sa area na humigit kumulang na 43,515 hectares. Nais ng nasabing kompanya na magsimula ng exploration at appraisal drilling sa Abril 2023. Bagama’t nasa labas na ng sinasakupan na karagatan ng Bayan ng Taytay, minarapat ng ahensiya ng DENR na magsagawa ng IEC campaign ang Nido Petroleum sa mga mga bayan na malapit sa naturang proyekto.
Dumalo sa nasabing IEC Campaign sina Hon. Christian V. Rodriguez, Municipal Mayor; Hon. Delma P. Edep, Vice Mayor, mga kapitan, opisyales at BFARMCs ng Barangays Banbanan, Liminangcong, San Jose at Tumbod, Mr. Robinson P. Morales, Municipal Administrator; Hernan P. Fenix, Municipal Agriculturist; Joie D. Matillano, Municipal Tourism Officer at mga kinatawan na mula sa Tanggapan ng Mayor, Sangguniang Bayan, Municipal Social Welfare Development at Municipal Tourism.