Matagumpay na naisagawa kahapon, Setyembre 14, 2022, sa Municipal Covered Court, Barangay Poblacion, ang kauna-unahang Municipal Summit ng Bayan ng Taytay sa pangunguna ni Mayor Christian V. Rodriguez. Eto ay dinaluhan ng mahigit 200 na mga kinatawan ng iba’t ibang sektor sa Bayan ng Taytay mula sa mga opisyales ng Municipal Government, mga opisyales ng Barangay Local Government Units, Civil Society Organizations at National Government Agencies na bumuo ng mga sektor ng Agriculture and Fisheries, and Environment, Health, Education, Social Services, Local Revenue Generation at Good Governance and Administration.
Mayroong tatlong layunin ang nasabing aktibidad ito ay ang palawigin ang transparency in governance, Participatory Governance at Effectiveness and Efficiency in governance na kung saan dito inilahad ang nasabing plano ng administration para sa mga susunod na mga taon. tinalakay dito ang mga plano na magbibigay direksyon sa bawat Sector ng ating bayan. Pinagusapan dito ay ang CDP Comprehensive Development Plan na kung saan ay napapaloob dito ang Local Development and Investment Program (LDIP) na naglalaman ng ibat ibang programs, projects at activities na pinag usapan at pinag desisyonan ng iba’t ibang stakeholders.
Sa mensahe ni Mayor Rodriguez, nabangit nito na sa kanyang pagiikot sa ating bayan ay lagi niyang binabalangkas na makikipagtalakayan siya sa mga mamamayan upang malaman ang mga dapat tuunan ng pansin sa bawat komunidad. Nabangit rin ng alkalde na “ang suhestyon ng mga nasa laylayan, mga sitio at mga barangay ay napakahalaga para sa pagpapaunlad ng ating bayan”. Nangako rin si Mayor Rodriguez na tututukan ang mga suliranin sa lipunan. Inilahad din ng ating alkalde na nais niyang bigyan diin at maisakatuparan ang 6-Point Development Agenda na naglalaman ng mga adhikain at daang tatahakin ng Pamahalaang Lokal ng Taytay sa kanyang panunungkulan.
Nakiisa sa aktibidad sina Hon. Delma P. Edep, Municipal Vice Mayor; Sangguniang Bayan Members: Hon. Yolando M. Edep Sr., Hon. Alerey T. Rapsing, Hon. Delia M. Signo, Hon. Norbert V. Lim, Hon. Jerson R. Bulan; Ms. Aizel Jane C. Delos Angeles, Municipal Local Government Operations Officer at Mr. Robinson P. Morales, Municipal Administrator.