WALONG DAAN AT SIYAM (809) NA MGA MANGINGISDA MULA SA BAYAN NG TAYTAY, NABIGYAN NG TIG-TATLONG LIBO NA DISKWENTO SA PETROLYO MULA SA PROGRAMA NG DA-BFAR
Ang Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) MIMAROPA katuwang ang Universal Storefront Services Corporation (USSC) ay nagsagawa ng “Know Your Client (KYC) Validation cum Distribution of Discount Cards” sa ilalim ng Fuel Discount for Farmers and Fisherfolk (FDFF) Program noong Agosto 2, 2022 sa Annex Building at Municipal Covered Court sa Barangay Poblacion, Taytay. Ang layunin ng nasabing programa ay maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na lubhang nagpapahirap sa mga mangingisdang namamalakaya.