Matagumpay na naidaos ng Provincial Anti-Drug Abuse Council, sa pangunguna ni Bb. Florfe Anne B. Fernandez, at ng kanyang local counterpart na si Gng. Bamby G. Oquendo, Focal Person ng Municipal Anti-Drug Abuse Council sa tulongna din ni Bb. Natty T. Junio, MSWD Officer ang open forum ng mga persons who used drugs o PWUDs na ginanap nitong Setyembre 7, 2022 sa Divine Blessings Learning Center Compound. Ang nasabing open forum ay dinaluhan ng humigit-kumulang 25 na mga PWUDs mula sa Barangay ng Poblacion at Pancol at mga kinatawan mula sa PDEA at PNP.
Sa nasabing pagpupulong, malayang naihayag ng mga PWUDs ang kani-kanilang mga katanungan at saloobin patungkol sa mga programa ng pamahalaan upang maibsan ang suliranin sa ipinagbabawal na gamot.
Layunin ng open forum na mas paigtingin pa ang ugnayan sa pagitan ng pamahalaang local, pambansang pulisya, at iba pang ahensya ng pamahalaan sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.
Ang war on drugs ay hindi kayang isakatuparan ng mga iilan sa hanay ng pamahalaan. Ang pakikipagtulungan ng mga sibilyan ay napakahalaga upang ang suliraning ito ay maibsan kahit kaunti. Ang pagsuplong at hindi pagkunsinti sa mga taong mayroong kinalaman tungkol sa iligal na droga ay napakalaking tulong na sa bayan. Masidhi ang pagnanais ng ating minamahal na Punong Bayan Christian V. Rodriguez na tuluyang masugpo ang droga at ng atin nang makamtan ang isang “Drug Free” na bayan, kung kaya’t buongbuo ang kanyang suporta sa anumang adhikain na may kinalaman sa pagsugpo sa pinagbabawal na gamot.
Ito ay pagpapakita din ng kooperasyonsahanay ng ating mga PWUDS ng kanilang buong pusong pagtakwil sa kanilang madilim na kahapon sapagkat ramdam nila ang malasakit at paniniwala ng ating butihing Punong Bayan, Christian V. Rodriguez nahindi pa huli upang sila ay magbago kung kaya’tngayon ay matibay ang kanilang mithiin na makiisa sa administrasyon sa hangarin na makamit ang isang “Drug Free Taytay.”