Mahigit dalawang daang indibidwal at pinuno mula sa iba’t-ibang Civil Society Organizations (CSOs), Non-Government Organizations (NGOs) at People’s Organizations (POs) ang nakiisa sa ginanap na CSO Conference sa 2nd Floor ng Annex Building, Municipal Hall, Barangay Poblacion noong nakalipas na biyernes, August 26, 2022.
Nakiisa sa aktibidad sina Hon. Christian V. Rodriguez, Municipal Mayor; Hon. Alvino V. Yara representing both Vice Mayor Delma P. Edep at Sangguniang Bayan Member Edilberto Y. Felizarte, Chairperson ng Committee on Cooperatives and Non-Government Organizations ng Sangguniang Bayan; Mr. Patrick Reimund C. Atienza, DILG Provincial Focal Person; Ms. Aizel Jane C. Delos Angeles, Municipal Local Government Operations Officer at Mr. Robinson P. Morales, Municipal Administrator.
Layunin ng nasabing pangkalahatang pagtitipon ang paigtingin ang partisipasyon ng mga CSOs, NGOs at POs sa pagplaplano ng mga programa at serbisyo ng pamahalaang local. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng isinasagawang akreditasyon ng mga civil society organizations sa Bayan ng Taytay na may layuning lalo pang pagbutihin at paigtingin ang kaalaman ng mga kasaping CSOs at kilalanin ang kahalagahan ng mga ito sa lipunan.
Sa kanyang mensahe, nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Rodriguez sa mga dumalo. Nabanggit niya na siya ay natutuwa at eto ang pangitain na maraming gusto tumulong sa local na pamahalaan at makibahagi sa local governance. Sana eto ay maging pagkakataon na maipabot ng mga presidente at mga miyembro ng mga CSOs ang mga pangangailangan sa kanyang-kanyag mga lugar.
Ang CSO Conference ay naisakatuparan sa pamamagitan ni Mr. Joel Gomez, Cooperative Development Officer at CSO Desk Officer Designate.