Be a hero, donate blood.
Ang Municipal Health Office ng Taytay, kasangga ang Philippine Red Cross – Palawan ay kasalukuyang nagsasagawa ng blood-letting activity sa Municipal Covered Court. Ito ay ginanap ng alas nuebe ng umaga, hanggang alas tres ng hapon. Layunin nito na makapag-imbak at makapagbigay ng dugo sa mga nangangailangan, ika nga ‘save lives.’ May mga benepisyong pangkalusugan din ito sa mga blood donors/heroes tulad ng pagpapabuti ng cardiovascular health, pagkakaroon ng bagong blood cells, at pagbawas ng calories.
May mga proseso na kailangan pagdaanan bago makapagbigay ng dugo, na siya namang pinangangasiwaan ng mga tauhan ng bawat ahensya. Tulad na lang ng pag-assess ng kalusugan ng magdo-donate upang masiguro na siya rin ay ligtas na makapagbigay ng dugo. Marami na ang nakiisa at taos pusong pasasalamat ang nais na ipaabot sa mga tumugon sa panawagan ng ating MHO Taytay:
Barangay Poblacion,
Barangay Bato,
Barangay Pularaquen,
Barangay Pamantolon,
Brotherhood ng Guardians at Commando,
Men in Uniform (RMFB, Marines),
Educational Institutions, at
LGU – Taytay Employees.
May oras pa, tayo na’t maging blood heroes, Taytayano!