Ngayong araw, ika-15 ng Nobyembre 2022, ang mga serbisyo ng Lokal na Pamahalaan ng Taytay ay dinala sa Barangay Talog, sa pamamagitan ng “A Day with the Barangay.”

Ang aktibidad na eto ay pinangunahan ni Mayor Christian V. Rodriguez, kasama ang mga department heads at iba pang mga kawani mula sa iba’t ibang mga opisina ng munisipyo na naghatid ng serbisyong medikal mula sa Health Office at iba pang serbisyo mula sa Civil Registrar’s Office, Social Welfare and Development Office, Assessor’s Office, Municipal Agriculture Office at Treasury Office.

Kabilang sa mga serbisyong inihatid sa mga mamamayan ng Barangay Talog ay ang Mass Wedding Service, distribusyon ng grocery items at bigas para sa mga senior citizens at persons with disability at pamimigay ng mga bags, school supplies, raincoats at payong para sa mga estudyante mula sa daycare hanggang grade 2 at libreng gupit.